Biyernes, Setyembre 9, 2011

Karatulastasan 2011

Rizal: 150, 400, 104: Inhinyero, Bayani, Tomasino "TAGAPAGTAGUYOD NG WIKANG FILIPINO"



Noong ika 27 ng Agosto 2011, idinaos ng Kolehiyo ng Pinong Sining at Disenyo ang Karatulastasan '11. Pinakita dito ang iba't ibang obra ng mga estudyante gamit ang Photography. 


Ito ay gawa ng kaibigan ng isa naming miyembro na si Janne. Lubos siyang nagalak dahil nakasama ang obra ng kanyang kaibigan sa exhibit na ito.



Para sa iba, malamang isa itong simpleng pagsusulat sa pader ngunit ito ay maituturing naming isang sining na gumamit ng wikang pambansa upang maipahayag ang damdamin ng gumawa nito.



Higit pa sa inaasahan namin ang mga nakita naming mga larawan sa gusaling Beato Angelico. Ipinakita sa mga larawan ang kulturang Pilipino. Naipakita ang sining sa ating paligid na hindi napapansin ng ibang tao. Dahil dito, mas napansin ng aming grupo na ang sining ay maaring makita sa mga ordinaryong bagay sa ating buhay. Ang exhibit na ito kagaya ng exhibit sa aming gusali ay kapwa maliwanag na patunay na ang mga Tomasino ay marameng talento na maaring magamit upang mapalaganap pa ang paggamit at pagpapahalaga sa ating Pambansang Wika.

Ang Wikang Filipino, 'ika nga ang daluyan ng sining at kultura ng ating lahi. Sa tulong ng wikang ito, naipahahatid sa atin ang mensahe ng bawat sining sa ating buhay upang mas mapahalagahan at maipasa natin ang ating kultura sa susunod na henerasyon. At ang bansang Pilipinas ay malayang nakapagpapahayag ng mensahe gamit ang Wikang Filipino dahil sa kalayaang ipinagtanggol ng ating pambansang bayani at kapwa estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas na si G. Jose Rizal.

2 (mga) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

How to watch Football games online - YouTube
How to watch Football games online - YouTube. The best way to watch football games online is mp3 juice to have an internet connection for your TV to watch it. The

valenzakaria ayon kay ...

Wynn Casino & Hotel - Mapyro
Find the best prices for 용인 출장마사지 Wynn Casino & Hotel in Las Vegas 상주 출장마사지 and other Las Vegas hotels. Wynn 대구광역 출장안마 Tower Suite Salon. Check-in. 남양주 출장샵 3 p.m. - 10:00 p.m.. Rating: 3.5 · 양산 출장샵 ‎1,523 votes

Mag-post ng isang Komento