Biyernes, Setyembre 9, 2011

Ang Rizal sa Puso ng mga Inhinyerong Tomasino

 Rizal: 150, 400, 104: Inhinyero, Bayani, Tomasino "TAGAPAGTAGUYOD NG WIKANG FILIPINO"



Caricature ni Dr. Jose Rizal
Noong ika-22 ng Agosto, nagsimula ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Gusali ng Inhenyeriya. Maraming mga "activities" na inorganisa upang maidiwang ang buwan para sa ating pambansang wika. Dito naipamalas ang talento, galing at kaalaman ng mga "Tomasinong Inhinyero". Nagkaroon ng sari-saring mga "gawain" sa buong unibersidad ngunit sa aming gusali, nagkaroon ng "Visual Exhibit tungkol kay Rizal, Awit Pinoy, Tagisan ng Talino, Pagsasadula ng mga eksena sa El Filibusterismo at Noli Me tangere, at isang Forum tungkol sa buhay ni Rizal".

Sa aming gusali (Gusali ng Inhenyeriya) ay nagkaroon ng "exhibit" na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Bukod sa mga impormasyong makukuha rito, makikita rin natin ang iba't ibang likha ng mga estudyante mula sa Inhenyeriya gamit ang ating pambansang bayani bilang insprirasyon.

Ngayong taong 2011, ang tema ng Buwan ng Wika sa Inhenyeriya ay


José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda



"150, 400, 104: Rizal-Bayani,Tomasino, Inhinyero, Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino"




Ang mga obra ng mga Inhinyerong Tomasino



 
Ang mga babaeng naging parte ng buhay ni J. Rizal


Poster



Poster na nagpapakitang si Rizal ay parte ng mga inhinyero sa UST.








Ang El Filibusterismo ay isa sa mga tanyag na libro na sinulat ni J. Rizal.



"Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga." — José Rizal Noli Me Tangere



        
  "Pagkatapos ng 150, 104, 400, Kami Naman"
 





Para sa mga inhinyerong kabataan, si Rizal ang aming itinuturing na inspirasyon.



Sa visual exhibit na ito, naipakita ang talento ng mga Tomasinong Inhinyero ng henerasyong ito sa hinaharap. Mapa-poster man, mapa-potograpiya, mapa-collage man, iisa lang ang mensaheng nais ipahatid ng mga ito-Sino si Rizal sa buhay ng mga Inhinyerong Tomasino?

Si Rizal ang inspirasyon ng mga estudyanteng gumawa ng sari-saring sining na nakita natin. Isa siyang bayani na hindi lamang nagtanggol ng kalayaan ng ating bayan kundi pati na rin ng ating wikang pambansa-ang wikang Filipino. Hindi man niya nagamit ang sariling wika sa pakikipaglaban sa mga Espanyol, naipamalas naman niya ang kanyang “lubos” na pagpapahalaga sa ating wika.

Natatandaan niyo pa ba ang mga katagang "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda”? Ang winika niyang ito ay isang maliwanag na ebidensya ng kanyang tapat na pagmamahal sa ating wika na dapat nating tularan. Ang exhibit na ito ay ginawa para sa atin, upang magkaroon tayong lahat ng mas malalim na pagkakakilala sa ating bayani. Ito ay ginawa upang maging inspirasyon natin siya sa pagpapatuloy ng pagtataguyod sa ating wikang pambansa.

Si Rizal bilang isang inhinyero ay nagpamalas rin ng kasipagan sa pag-aaral. Tulad niya, gawin natin siyang inspirasyon upang magtagumpay. Isa siya sa mga taong lubos na ipanagmamalaki ng Inhenyeriya sapagkat siya ay isang mabuting halimbawa para sa mga inhinyerong nagnanais na magtagumpay sa hinaharap. Siya ang inspirasyon na kailangan ng mga kabataan ng henerasyon ngayon.

Ang Visual Exhibit na ito ang pagpapatunay na si Rizal, ang ating pambansang bayani at inspirasyon ng mga Tomasino ay hindi kailanman nawala sa puso ng henerasyong ito. Taglay pa rin namin sa isip at sa puso ang lahat ng mga bagay na nagawa niya para sa ating bayan maging sa ating wikang pambansa.

Pagkatapos namin makita ang lahat ng ito, lalo naming naramdaman ang kahalagahan ng wika upang maipahatid ang mensahe ng mga larawang ito, ang pagiging Pilipino at higit sa lahat ang pagiging Tomasinong Inhinyero. Susundan namin ang mga yapak at gawa ng ating pambansang bayani para mapatotoo ang mga katagang sinabi niya, gamit ang ating wikang pambansa, na "Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan". Sa pagpapatuloy ng aming mga buhay bilang mga estudyante, hindi mawawala si Jose Rizal bilang inspirasyon ng bawat kabataan.

- Karl Chiucinco - Janne Therese Casuncad - Elaiza Estrella - Jan Kevin Fajardo - Benito Manalo - Japeth Poyaoan - Carlo Bicaldo -

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento